Wednesday, July 4, 2012

Tula #6

Do you let your heart spill?

I never liked giving my heart the mic. I'd rather give her the pen or the guitar and let her hide the feelings in the sway of rhymes. But on some occasions, it gets the nudge. And the words spilleth over.

Such occasion was last night, when I finally voiced out my feelings in 20 words or less. Was I proud about it? Well, I don't really know. But this much I can say: It's an amazing feeling. Not that there's freedom in sounding off the truth, although there exists. The amazing feeling pretty much comes from the respite of finally letting the other person know how much he is loved and treasured, even if inside the heart of a friend. And though no reply may come, it's enough.

*For reference, "tutuldok at isang ngiti" looks like this -->   :)

Ilang oras nang nakalilipas mula nang
Pinagbigyan ko ang puso ko na maki-text.


"O sya, sya," sagot ko sa mapilit.
"Heto na ang telepono at umamin ka na. 
Bago pa magbago ang aking isip.
Madali, at huwag sayangin ang load ko."
Lumundag ang puso ko't hinagkan ang mga pindutan.
Noon pa niya ninanais na pakawalan ang mga piling salita--
mga salitang hindi naman ganoon karami ang titik, ngunit
saklaw ang lihim kong aklat,
hagip ang damdaming noon pa itinatago.


Itong puso ko kasi, tahimik lamang at walang imik.
Sa kanya'y sapat na ang paminsan-minsa'y titingin,
aawit, tatanawin ang iyong mukha.
At ewan ko ba,
Heto ngayon namimilit
mangumpisal.


Ayoko nga sanang payagan,
Kung ako ang tatanungin.
Para ano pa?
Maibubulalas nya ang sanlibo't sanlaksang wikain
ng pagsinta ngunit lilingunin mo ba?
Noon pa ma'y nakapako na ang pag-ibig mo sa iba,
Gantimpalaan mo man ng pansin
ay baka basahin mo lamang ang mensahe,
ikatuwa, tapunan ng tutuldok at isang ngiti
kung ikaw ay magpapasalamat.


At kung ganoon nga ang mangyari,
Ano ang sasabihin ko sa aking puso?
Kung madudurog sya'y paano ko bubuuin?
Matutulungan mo kaya akong pulutin
Ang mga pira-pirasong ugat na minsan ma'y
paulit-ulit paring sisigaw ng ngalan mo?
May lamat na ang aking puso
mula sa makailang beses na...
Basta. Tama na. Huwag na lang, wika ko.


Ngunit hetong si mapilit.
Sa pagtangi sa'yo ay di alintana ang lalim
ng ikabububog, sakaling muling mahulog
at mabasag.
Aanhin ang pusong buo, wika nya,
kung ito nama'y patay at tikom?


Ako ang napatikom.
Hindi ko maintindihan.
Paanong ang pag-asa,
hungkag ma'y
patuloy parin,
Masawi man ay lalaban?
At lalaban parin hanggang sa huli--


Hanggang sa huling titik na pinindot nya
sa aking telepono.


Hanggang doon na lamang.



Ilang oras nang nakalilipas mula nang
Pinagbigyan ko ang puso ko na maki-text.
Wala pa ring narinig mula sa iyo.
Ngunit sino bang naghihintay ng sagot,
gayong wala din namang nagtanong?

Nalaman mong minamahal ka.
Nalaman mo na, sa wakas.
Sapat na iyon. Sapat na.








Tula #5

One more. and yes it's another jeepney poem :P The song being talked about here is Gusto by Khavn. 

Namahinga ang tinig at tiklada
Matapos mag-ensayo,
Numakaw ako ng sandali.

"Uy, pakinggan mo ito o,"
wika ko, bulalas ng
gapatak-dagat na tapang, bigla na lamang sumulpot.


(Saan nanggaling inyon? Ah, basta.
Paminsan-minsan lamang umambon ang lakas ng loob.
Mabuti pang salukin.
Kung hindi ko pa sunggaban ay baka hindi ko
na ito masabi kahit kailan.)
Humilig ka at itinuon ang iyong tainga sa awiting pinatugtog ko.

Malakas ba? Dinig mo ba?
Batid mo kaya ang mga titik sa kantang
inihandog ko sayo nang wala kang kamalay-malay?
Pinihit kong bahagya nang lumakas,
Umaasang malunod ng ingay ang pagkabog ng dibdib.

"Ang ganda, ano?"
Sulsol ko sa iyo, nanginginig pa ang aking tinig.
Nakinig ka,
Nilaro din ang tiklada upang sabayan.

Napaisip ako.
Ano kaya kung...
Ano kaya kung
ngayon,
sa gitna ng nakabibinging hiyaw ng lihim,
habang marahan mong pinapaawit ang itim at puting daliri ng iyong piano.
Ay sabihin ko na sa iyong
Ikaw.
Ang ngalang tinatangi ko
sa tuwing may musika. 
Ikaw ang bulong na bumabagabag, pumupula, humahaplos sa gunita.
Ikaw ang hinahanap ng ako--hindi man kailanman
magiging ako at ikaw--ay ikaw parin.

Ano kaya?
Ang awitin, sasabayan mo kaya?

Ano kaya?

Nang biglang
Natapos ang kanta.
At walang narinig sa tikom kong bibig.
Walang narinig liban sa mga notang nagkubli ng lihim
sa isang kantang hindi mo naman maaalala.

Tara.
Nag-aya ka nang umuwi.
Lumalalim na ang dilim.
Said na rin ang gapatak-dagat na tapang.
Tara na't magligpit
ng mga instrumento
at nagkalat na damdamin.